Wala nang trapik sa kalye Efficient ang bureaucracy Bumaba na ang poverty Restored na ang democracy
Ang buhay natin nag-improve Dahil ang GATT ay na-approve Ang buhay natin gumanda Dahil ang EVAT napasa
Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy ang totoo Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Matagal ka na nilang niloloko
Dumadami ang may kotse Dito sa university Tumataas ang tuition fee Bumababa ang quality
Forget na lang the land reform Forget the debt moratorium Forget na rin the behest loan But don't forget the condom
Oy alam ko na Eddie Oy alam ko na Eddie Oy alam ko na Eddie ang totoo Oy alam ko na Eddie Oy alam ko na Eddie Matagal mo na kaming niloloko
***
Tres mil na passport at ID Tres mil sa visa't embassy Tres mil na special placement fee Singkwenta mil na pangkape
Kung alam mo lang Violy...
Si Violy ay inabuso Ng malupit niyang amo Si Violy ay nagkakaso Pinagtanggol ng gobyerno Natural, natalo At napugutan ng ulo
Si Violy ay inilibing Malaon nang nahihimbing Si Violy ay huminlay na Ngunit hinukayhukay pa
Kung alam mo lang Violy...
Gumaganda't umuusad Daw ang ating economy Dahil sa dami ng tulad Na kwentong gaya kay Violy Tuloy-tuloy ang pag-unlad Ng ating movie industry
Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy ang totoo Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang VIoly Kayrami na nilang kinita sa iyo