Chorus: (Francis M./Chito Miranda) Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim Di ka hahayaan na muli pang masaktan Wag ka nang matakot sa dilim
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando At kahit parang pagkakataon ay nakakandado Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig
Repeat Chorus
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba Dahil alam nila na sa bawa’t isa’y nakalaan At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding At isang bubong na maaaring tawaging tahanan Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa
Repeat Chorus
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw Doon tayo magkita pasalubong ko’y siopao Upang ating paghatian pagdating ng hapunan Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa Sa tagiliran isang makalawang na lanseta Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka Kami’y mahirap lamang bakit di na siya naawa Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal Bakit po bakit po ang laging lumalabas Sa ‘king bibig palaboy-laboy ni walang landas Akong sinusunod baliw sa mata ng marami Siguro nga di ko na kilala aking sarili Pangala’y taong grasa may patalim na gamit At ang tanging alam ay isang malungkot na awit At ang sabi…