Yeah Marahil ay iniisip nyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig Gloc-9 May sasabihin lang ako
Sa bawat araw na aking pagmulat ay lagi kong tinatanong “Ito ba talaga ang dapat na gawin?” Puro balakid at puro pasakit ang sa aki’y ibinabato Laging sumasalubong sa hangin Subalit sa tuwing masisilayan ko Ang dalawang buhay na saki’y iniregalo mo Naaalala ko ang tunay na pangalan ko Batang taga-Rizal Aristotle Pollisco Na daig pa ang tangkeng puno ng baril Kapag kanya nang nahawakan ang lapis at papel Sumabay ka sa ‘king mga salitang hindi bumabara Metro na di kumakapa tyempo na di nadadapa Makinig ka ‘kin Sige subukan mong sabayan ang mga salitang aking binibitawan Ang mga kalaban di nila malaman ang gagawin Nang dumating mga pinakamagaling Kaya bilisan mong tumakbo makinig ka para maintindihan mo Sa dinamidami ng mga pinagdaanan namin Nakabisado ko nang game na ‘to Alam ko na di mo kayang gawin Kaya babagalan ko nang magsalita Matangkad ka man saki’y nakatingala Tuturuan kita kung pa’no dumura Kahit kailan ay di mo nalaman kung ba’t ako nabubuang Kapag hinawakan na ang Parang itinutumba ng mga salitang Nagmula sa mga kagamitang… Simula nang aking malaman kung bakit ako’y natutong gumamit Humawak ng lapis at papel at magpapalitpalit Ng mga salitang hindi mo pa narinig sa ibang makatang Humawak ng mikropono para bang tuluyan na nabuang Sa kakaibang pag-agos ng boses Matapos ang ilang beses Na paulit-ulit isipin sabihin at kabisaduhin Ang mga saloobing aking nais na maiparating Sa pamamagitan ng isang awitin na hindi mo pwedeng baliwalain Sa bawat hakbang ang mga katagang aking sinasabi at aking isinulat Pilit kong binubuhat damdami’y maisambulat Habang meron pa akong nalalabing kaunting panahon Akin nang ilalabas sa kahon sandata sa mahabang panahon Lapis at papel Aristotle Ang pangalan ko ika’y madidiskaril Kapag narinig ang sinasabi ng aking bibig Ay parang humahambalos ang mukha mo sa pader Akala mo siguro ay di ko na kaya pang wasakin Ang mga tula na isinulat mo Ang mga mata iminulat ko Sige sagutin mong mga katanungan ko Bago pa matapos Sino ka para tapakan ang lupang aking tinapakat ako ang naghari? Sino ka para gayahin ang mga salitang nagmula sa ‘king mga labi? Sino ka para labanan ang mga nilalang na animo’y mga buhawi? Sino ka? Dahil sa king pagbalik ano mang akin ay akin nang binabawi
Yeah yeah Whooo Gloc-9 B-roc Yeah Turbulence whoo Check it