Chorus: Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan ko'y buksan Ang siyang hinahanap mo Nariyan lang sa puso mo Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan ko'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo
Verse 1: Makinig sa mga salitang aking isinulat At buksan ang mga mata na hindi nakamulat Matagal ko nang gustong lahat kayo'y kausapin Wag mawalan ng pagasa ano man ang suliranin Bawat kirot, bawat sakit ang iyong nararamdaman Manalig ka lamang at ito'y malalagpasan Pupunasan ang luha di na muli pang luluha Isipin lang na paa niya ang nakabakat sa putik at di sayo
Chorus: Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan ko'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan ko'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo
Verse 2: Ang pangalan ko'y Allan, isang batang lansangan Palaboy-laboy naghihintay na ako ay kaawaan At tapunan ng kahit na ilang pirasong barya May sakit na ang aking ina at wala na ang aking ama Meron akong nakakatandang kapatid na babae Nagtatrabaho sa gabi sa aki'y may nakapagsabi Kahit walang pagbabago patuloy ang paghihirap Ito'y hindi hadlang sa akin upang ako'y mangarap At manalangin sa may kapal, Patuloy na magdasal Ilang araw ay sisikat at hindi rin magtatagal Bukas ay liliwanag ako'y di na iiwanan Kahit na makasalanan ay di niya papabayaan Salamat po ama
Chorus: Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan koy buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan koy buksan Ang siyang hinahanap mo Nariyan lang sa puso mo
Verse 3: Sa pagsindi ng kandila liwanag ang ibinigay Liwanag na hatid ng araw sa bukang liwayway Itoy sinulat6 ng aking kamay, inisip ng aking utak Tinype ng daliri na siya na ring humahawak ng mikropono Mike check with drums to my sense, a creep to my stand So I can rap my friend Itong lahat ay sinulat, parang balitang inulat Lahat ng taoy nagulat, sa pagsanggulat ng mulat Di ko masabi kung bakit ganon na lang tingin sa akin Ng mga taong humangang biyaya galling sa langit Pasasalamat sa hari na siyang nagmumukod tanging At di nyo kayang bilangin ang mga butil ng buhangin Kayat ang tanging dalangin tuloy tuloy na palarin Tuloy tuloy na umawit na siyang tunay na hangarin Ito na rin marahil ang kailangan nating gawin Umamin sa ating mga sala Ama ako ay iyong patawarin
Chorus: Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan koy buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit di mo pagbigyan Ang pintuan koy buksan Ang siyang hinahanap mo Nariyan lang sa puso mo