Gloc 9
Página inicial > G > Gloc 9 > Pangarap

Pangarap

Gloc 9


Ito'y isang awiting aking sinulat
Nang sa gayon kayo ay aking mamulat ah.
At makilala ang
Isang makata na
Mula sa rizal ako ay isang bata na
Merong pinapangarap
Kaytagal kung hinanap
Kaytagal kung hinabol
Kaytagal kung nayakap
Ang aking pagkakataong
Marinig, nalagay
Ang boses ko sa Cd
Na bili ng
Libo libong katao
Ang lahat ng tula ko
Letrang kinabisado
Pag-kakanta'y kabado
Palad na malamig
Medyo nanginginig
Hirap sa paghinga
Parang sumisikip
Ganyan palagi pag hawak ay mikropono
Isipin mo, yan ay totoo
Kahit ako'y isang makatang bihasa
Kaibigan isa lamang ang aking ginawa kaya

[Chorus]
Mangarap ka...
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
(Si magtiwala ka)
Mangarap ka...
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
(Bukas ay naroon kana)

Binabayaran nga sa tuwing ako'y aawit ng tula
Pero bakit kulang, parang lumunok ka ng dura
Malalakas mangutya, makakapal ang mukha
Dinaanan ko na parang nagmumog ka ng tuba
Ubod ng pait kung minsan ay hindi ko masikmura
Dito ko pinagpalit ang pag-aaral teka muna yan ang sabi ko
Dahil gusto kong maging sikat
Usap-usapan parang makabagong alamat
Pero akala ng iba, ito ay madali
Pakinggan mo ako pare wag kang mag madali
Naranasan mo na ba sayo'y walang kumakaway
Kasama ka sa motorcade pero walang kumakaway
Para kang gago, mikropono'y laging dispalehado
Tumatalon na Cd, sira na entablado
Di ka pinapansin kasi di ka makakanta
Pagkatapos mong umawit bibigyan ka ng barya

[Repeat Chorus]

Labing isang taon
Ang sa akin ay lumipas
Ngayon ay masasabi kong
Matamis nga ang ubas
Hindi ako doktor, lalong hindi piloto
Pero dahil saking dula ay nasa eropalano
Salamat sa bato, bakal, kahoy't sa dingding
Parangal para hangain, pangalan ay magningning
Pero sakin may isang batang lalaki at babaeng na nag-aabang
Kung meron akong maipapadede't maipapakain
Kanilang kinabukasan ay aking sisiguraduhin
Ang masagana ay aabutin, bagamat ako'y isang
Kilalang, nilalang minabuti kong ako ay mag-aral nalang
Tatapusin ko ang kurso nasaki'y maghahatid ng tagumpay
Na parang meron akong bakal sa dibdib
Hindi tinatablan, isipin mo naman
Kahit sumikat man o malaos may masasandalan
Sinasabi nila ako ang pinakamagaling, pinakamabilis, at iba'y walang dating
Ibang klase kung sumulat, para kang kinakausap
Pag merong bubuhatin ako lang ang makakabuhat
Nagbabago ng tingin sa mga makatang pinoy
Pagmadilim may sumusulat ng letra nag-aapoy
Tatanggapin ko yan ng buong karangalan
Kung ako ang syang umawit ng mga kababayan
(Mga kababayan)

Encontrou algum erro na letra? Por favor, envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Gloc 9 no Vagalume.FM

Mais tocadas de Gloc 9

ESTAÇÕES