Lapit mga kaibigan at makinig kayo akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko nais kong ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako
ako ay pilipino sa isip at sa gawa ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita isang gobyernong kayang sikmurain at matawa na may pamilyang kumakain ng kulang sa dalawang beses sa isang araw minsan wala ngang pang lugaw bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw ang dadamputin at kakainin ng batang gutom alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom na meron mas masahol pa sa hatol ng kamatayan yan ay ikay maging mahirap sa sarili mong bayan mga bata na ang dapat na ginagaway maglaro bagkos ay agos ng pawis at magbanat ng buto upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso bagkos isang taong gulang na kapatid at may baso sa harapan nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan mga pinunong bago mamatay at magkasakit sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig
Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya nga nagagahitabu sa banwagisa nato
mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga tangan tangan at balot ng kasuotang pang digma bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa pareparehong sundalo muslim man o kristiyano ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo walang panalo dahil sa huli tayo ang talo pinoy ang nasa loob ng ataol na sinarado yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago lawing hindi makadapo may pakpak na limitado at nakakulong sa seldang may walang susing kandado kailan kaya matatapos ang pag agos ng dugo at ang kapayapaay mahawakan ng buong buo yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi sa bawat taong bahagi ng watawat ng hinabi
Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya nga nagagahitabu sa banwagisa nato